Kinumpirma ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mayroong pagtatangkang patalsikin sya bilang house speaker.
Ayon kay Cayetano, nasa 20 congressmen na di umano’y pinangakuan ng committee chairmanship ang nagkumpirma sa kanya ng nilulutong kudeta sa Kamara.
Ibinunyag ni Cayetano na mismong si Cong. Lord Allan Velasco ang lumalapit at nangangako ng committee chairmanships sa mga kongresista kapalit ng suporta na mapaaga ang pag-upo nya bilang house speaker.
Sa Oktubre nakatakdang magtapos ang termino ni Cayetano bilang speaker at simula naman ng pag-upo ni Velasco.