Nangangamba ang isang grupo ng mga abogado hinggil sa posibleng implikasyon ng bantang pag take-over ng pamahalaan sa dalawang higanteng telecommunications company o telcos.
Ito’y kasunod na rin ng naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) nuong isang linggo na kukunin ng gubyerno ang mga telcos tulad Globe at Smart kung hindi nito pagbubutihin ang kanilang serbisyo sa publiko.
Ayon kay Arnel Victor Valeña, tagapamuno ng grupong Tanggol Watawat, naka-aalarma aniya ang pahayag ng pangulo dahil labag ito sa prinsipyo ng saligang batas na hadlangan ang pag-unlad gayundin ang opersyon ng mahahalagang industriya ng dahil sa manipis na dahilan.
Labag sa prinsipyo ng Konstitusyon na hadlangan ang pag-unlad at operasyon ng mahalagang industriya ng dahil lamang sa manipis na dahilan na maaari namang maisaayos sa pamamagitan ng regular na pamamaraan,” pahayag ng mga abogadong bumubuo sa Tagapagtanggol ng Watawat.
At balakid din ang pahayag ng Pangulo na expropriation ng Smart at Globe telecoms sa hangarin ng mismong gobyerno na mahikayat ang mga mamumuhunan na magnegosyo sa bansa,” sabi ng grupo sa 4-pahinang pahayag sa publiko.
Giit pa ng grupo, maaari namang maisaayos ang anumang hindi pagkaka-unawaan sa regular at ligal na paraan na hindi na rin kinakailangang dumaan pa sa brasuhan lalo pa’t kasalukuyang nasa pandemya ang bansa dahil sa COVID-19.
Ang pagkamkam ng gobyerno sa utility companies na pag-aari ng pribado pero ang operasyon nito ay saklaw ang interes ng publiko ay pinapayagan lamang ng Konstitusyon sa panahon ng national emergency,” mariing pahayag ni Valeña.
Dagdag pa ni Valeña, ang mga ganitong pagkukulang at kahinaan ng serbisyo ng dalawang telco ay uubra namang idaan sa legislation o adminsitratibo na siyang naaayon sa saligang batas.
The state ought to flex it regulatory muscle and exercise all reasonable means to compel the telcos to improve their services. It should not expect recurring issues to be resolved in a snap without proper intervention and regulation. We have not seen any sufficient efforts by the government in that regard,” sabi ni Valeña.