Walang implikasyon ang banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na kakalas sa pagiging miyembro ng ICC o International Criminal Court.
Ayon ito kay Political Analyst Professor Clarita Carlos dahil boluntaryo lamang ang membership sa ICC na umano’y may pinipili sa papanagutin sa mga paglabag.
Sinabi pa sa DWIZ ni Carlos na ang mga malalaking bansa tulad ng Amerika at China ay hindi naman miyembro ng ICC.
“Hindi naman mandatory na kailangan tayo dahil wala nang katutruran yan eh, kasi wala ang US diyan, wala ang India, wala ang China, wala ang mga African countries na tinutugis niyan, so ano naman ang katuturan niyan, umalis na lang tayo diyan.” Pahayag ni Carlos.
FTAAP
Dapat munang isantabi ng Pilipinas ang isyu ng claim sa West Philippine Sea at isulong sa China ang pagpapalakas pa ng ugnayan sa larangan ng ekonomiya sa pamamagitan ng FTAAP o Free Trade Association Asia Pacific
Sinabi sa DWIZ ni Prof. Carlos dahil tila sa China lahat nakikipag-ugnayan ang mga bansa para maging maganda ang ekonomiya ng bawat bansa.
Bahagi ng pahayag ni Professor Clarita Carlos
By Judith Larino | Ratsada Balita