Binatikos ng Bayan Muna ang banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Renato Reyes ng Bayan Muna, masyadong pinababaw ng pangulo ang kanselasyon ng VFA na kanilang ipinaglalaban mula pa noong 1999.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Reyes na hindi ‘bargaining chip’ ang VFA para lamang maibalik kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang U.S. visa.
The termination of the VFA is a serious matter. We have fought for it since 1999. It is NOT a mere bargaining chip to get Bato back his US Visa. The termination of the VFA is needed because it is an affront to our national sovereignty. Wag i-trivialize ang usaping ito.
— Renato Reyes, Jr. (@natoreyes) January 23, 2020