Ibinunyag ni gambling operator Charlie ‘Atong’ Ang ang planong pagpapapatay umano sa kanya nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Ang hakbang ayon kay Ang ay dahil sa patuloy aniyang operasyon ng kanyang virtual jai alai numbers game na Meridien Vista Gaming Corporation na nakabase sa Cagayan Freeport.
Dahil dito, sinabi ni Ang na umaapela siya sa Pangulong Rodrigo Duterte na iligtas siya.
Samantala, mariing itinanggi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang alegasyon ng gambling operator na si Charlie ‘Atong’ Ang na pinagpaplanuhan umano siyang ipapatay ng kalihim.
Giit ni Aguirre, walang basehan at gawa-gawa aniya ang lahat ng mga paratang ni Ang laban sa kanya.
Sinabi ni Aguirre na handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon lalo’t wala naman aniya siyang itinatago at malinis ang kanyang konsensya.
Una nang isiniwalat ni Ang na gumagamit umano ng mga operatiba ng NBI o National Bureau of Investigation si Aguirre para patahimikin siya.
By Judith Larino
Bantang paglikida kay Atong Ang ibinunyag was last modified: April 28th, 2017 by DWIZ 882