Inihayag ni Senador Kiko Pangilinan na hindi sagot o solusyon sa problema ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaaresto ang mga tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.
Giit ng senador, dapat na pagtuunan ng gobyerno ang science based at malawakang information dessimination ukol sa kahalagahan ng vaccine, at mabilis na vaccination rollout upang mahikayat ang mas marami na magpabakuna.
Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson, ang ganitong pahayag at pagbabanta lalo na kung galing sa pangulo ay hindi na dapat patulan o komentuhan pa.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III hindi batid kung kasama sa iminungkahi ng mga eksperto sa pangulo ang ipaaresto ang mga ayaw magpabakuna. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico