Ibinagkibit balikat lamang ni Senate President Koko Pimentel ang banta ni Senador Antonio Trillanes IV na papalitan siya bilang pinuno ng senado.
Ito ay kung hindi umano kikilos si Pimentel para patalsikin si Senador Richard Gordon bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee.
Hamon pa ni Pimentel, gawin na ni Trillanes ang plano sa lalong madaling panahon para makabalik na rin sila agad sa trabaho lalo’t marami pa aniyang nakabinbin na mga mahahalangang panukalang batas tulad ng 2018 national budget.
Sinabi rin ni Pimentel na tiwala siya sa paghawak ni Gordon sa Senate Blue Ribbon Committee at tiniyak na mananatili ito bilang chairman ng nasabing komite.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pimentel
Pimentel ipinaliwanag na wala sa mandato ng ehekutibo na kastiguhin ang Office of the Ombudsman
Wala sa mandato ng ehekutibo ang kastiguhin ang Office of the Ombudsman.
Ito ang inihayag ni Senate President Koko Pimentel matapos magabanta si Pangulong Rodrigo Duterte na bubuo ng komisyon para imbestigahan ang mga katiwalian sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Pimentel, maaari lamang gawin ng pangulo ay bumuo ng isang fact finding body na mangangalap ng mga ebidensya kaugnay sa mga sinasabing katiwalian sa Ombudsman.
Gayunman, kailangan pa rin aniya ibigay ng ehekutibo sa lehislatibo ang mga makukuha nitong ebidensiya dahil batay sa konstitusyon tanging ang kongreso lamang ang may kapangyarihan na magtanggal ng mga opisyal ng isang constitutional body.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pimentel