Umapela ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa transport network vehicle service community (TNVS) na huwag munang ituloy ang naka-amba nilang tigil pasada sa Lunes, Hulyo 8.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, dapat munang ikunsidera ang kapakanan ng mga pasahero kaysa sa isang hakbang na magdudulot lamang ng perwisyo.
Hinakayat din ni Delgra ang TNVS groups at Defend Jobs Philippines labor gorup na i-akyat sa LTFRB board ang kanilang reklamo at huwag i-hostage ang publiko sa isyu.
Bukas naman ang LTFRB sa mga kritisismo at handa silang makinig sa lahat ng mga stakeholders at dapat na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero gayundin ang pagbibigay ng kumbinyenteng buhay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na regulasyon para sa lehitimong operasyon ng mga TNVS.