Pansamantalang iniatras ng samahan ng mga truckers at customs brokers ang kanilang truck holiday sa Manila International Container Port, Manila South at North Harbor.
Ayon kay Rey Soliman ng Koalisyon Kontra sa Terminal Appointment Booking System o TABS, nais muna nilang pagbigyan ang mga nakabinbin nilang shipments.
Tiniyak ni Soliman na paparalisahin nila ang port operations sa pagpapatuloy ng kanilang protesta sa Lunes, March 14, tatlong araw bago magkabisa ang paniningil ng sobra sobrang penalty sa mga truckers na late ang dating sa pantalan.
Sa ilalim ng TABS ay maglalaro sa P300 hanggang P10,000 ang multa simula sa March 17.
Binigyang diin ng grupo na hindi sa gobyerno mapupunta ang kanilang mga babayaran sa ilalim ng TABS dahil kailangan nila itong ideposito sa isang private account.
By Len Aguirre | Aya Yupangco (Patrol 5)