Inaasahang mailulunsad na ngayong buwan, ang bantay krimen app, ang mobile app na ginawa ng PNP Directorate for Investigative and Detective Management Office.
Ayon kay DIDM Chief Police Dir. Benjamin Magalong, malalaman sa naturang app, ang crime rate at ang kadalasang krimen na nangyayari sa isang lugar.
Ipinaliwanag ni Magalong na ang bantay krimen app, ay bahagi ng kanilang information system on crimes at crime analysis.
Bukod sa makakatulong ito sa publiko, kanila din itong gabay sa paged-deploy ng tauhan.
Ang bantay krimen app ay magiging available sa android at IOS.
By Katrina Valle | Jonathan Andal