Inanunsiyo ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) na mandatory na ang pagsasailalim sa RT-PCR swab test simula sa Lunes, ika-29 ng Marso.
Ito’y para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at para makontrol ang paglaganap ng virus sa bansa.
Ayon sa SLMC, kasama sa mga kinakailangang magpa-swab test ay ang mga pasyenteng magpapa-admit sa ospital at mga magbabantay sa pasyente.
Dagdag ng SLMC, makakatulong ito upang ma-monitor ang mga lalabas at papasok sa ospital .
Ipinabatid pa nito na ang lahat ng isusugod sa emergency room ay kailangan rin sumailalim sa swab test bago ang admission.
Samantala, isa lamang ang papayagang pumasok upang magbantay sa bawat pasyenteng ma-a-admit sa SLMC. — Sa panulat ni Rashid Locsin.