Nasagip ng PNP WCPC o Women and Children Protection Center ang 2 menor de edad na babae na nakatakda sanang biktimahin ng isang banyagang pedophile.
Ito ay matapos na maaresto ng mga tauhan ng PNP WCPC sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport ang American National na si Robinson Hoyt Alderman , 58 anyos at isang yoga instructor.
Ayon kay Supt. Shiela Portento , operations director ng PNP WCPC, tinimbrehan sila ng U.S Homeland Security kaugnay sa online sexual exploitation of children kung saan kontak ng suspek ang ilang Pilipinang menor de edad.
Nabatid aniya sa chat log ni Alderman na makikipagkita siya sa mga menor de edad na naka-transaksiyon niya at planong niya itong abusuhin.
Maliban dito , nakuha din kay alderman ang ilang sex toys , laptop at iba pang electronic gadget.
Posible namang maharap sa kasong paglabag sa expanded anti trafficking law si Alderman.