Tataas na ang bayad sa bar exam ngayong taon.
Ito ay matapos aprubahan ng Korte Suprema ang 250 pesos na dagdag sa bar exam fee.
Dahil dito, nasa tatlong libo pitongdaan at limampung piso (P3,750) na ang bayad sa bar exam mula sa dating tatlong libo at limandaang piso (P3,500).
Paliwanag ng SC, ang naturang pagtataas ay upang makaagapay ang korte sa gastos sa operasyon ng pagsusulit partikular sa gastos sa venue maging sa iba pang logistical expenses at allowance ng mga itatalagang tauhan para sa eksaminasyon.
Inaasahan din ng Kataas-taasang Hukuman na lolobo ang bilang ng mga kukuha ng pagsusulit ngayong taon.
—-