Diniskwalipika ng Korte Suprema ang ilang 2020 at 2021 bar examinees dahil sa umano’y paglabag sa honor code habang kumukuha ng pagsusulit.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice at Bar Chairperson Marvic Leonen na habang nagaganap ang pagsusulit, nakarating sa kaniyang tanggapan na may ilang bar examinees ang pumasok sa testing sites nang hindi nagdeklara na sila ay dating nagpositibo sa Covid-19.
Bukod pa rito, may mga examinees din na nagpuslit umano ng mobile phones sa loob ng examination rooms at nag-access sa social media habang nasa lunch break sa loob ng ‘premises’.
Nilinaw naman ni Leonen na ang disqualification ng mga lumabag ay para lamang 2020/21 bar exams.
Umabot naman sa 11,378 law graduates ng pinagsamang batch 2020 at 2021 ang kumuha ng eksaminasyon, na makailang ulit nakansela dahil sa pandemya. –Sa panulat ni Mara Valle