Hinikayat ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang mga bar examinees ngayong taon na magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Leonen, nakikipag-ugnayan na sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) para mabakunahan ang lahat ng mga examinees sa Nobyembre kung kailan aasahan na magsisimula ang pagsusulit.
Ayon pa kay Leonen, lahat ng examinees na maaring mabakunahan ay dapat nang magpabakuna lalo na ‘yung mga kabilang sa priority group. Plano naman ng SC na bumili ng COVID-19 testing kits para sa mga kukuha ng pagsusulit.
Ilalabas naman ng Kataas-taasang Hukuman ang kanilang COVID-19 protocols para sa bar examination sa Oktubre.—sa panulat ni Rex Espiritu