Inanunsyo ng Korte Suprema na tuloy ang 2022 bar exams na naka-iskedyul ngayong Nobyembre.
Ayon kay Supreme Court spokesman Brian Keith Hosaka, isasagawa ang bar exam sa November 9, 13, 16 at 20 na orihinal petsa para rito.
Dagdag pa nito, nasa 9,916 ang inaasahan na magta-take mula sa 10,075 na nag-apply ngayong tason.
Ang ilan aniya sa mga aplikante ng bar exam ay nag-withdraw.