Isinailalim na sa state of calamity ang barangay addition Hills, Mandaluyong City bunsod ng sunog sa isang residential area, noong November 25.
Magbibigay daan ito sa city government na magamit ang kanilang calamity fund upang matulungan ang tinatayang 1,700 pamilyang apektado.
Sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan na magbigay ng financial aid na P8,000 sa mga may-ari ng mga natupok o napinsalang bahay; P5,000 sa mga co-owner at P3,000 sa mga tenant.
Sa kabila nito, wala namang nasawi at apat lamang ang nasugatan sa pinaka-grabeng sunog sa kasaysayan ng Mandaluyong.
By: Drew Nacino