Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga mayor at governor na palakasin ang Anti-Drug Councils sa kani-kanilang barangay upang maipagpatuloy ang kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang nag-organisa ng mga opisyal at stakeholder bilang unang dedepensa laban sa ipinagbabawal na droga.
Tungkulin naman ng BADAC ang mga sumusunod:
- alamin ang mga drug-affected areas
- gumawa ng BADAC plan of action
- pagtulong sa mga Person Who Used Drugs (PWUD) na sumuko sa barangay rehabilitation and referral desk, at
- pagsubaybay sa mga indibiwal na sumasailalim sa community-based rehabilitation treatment
Samantala, sinabi ni Abalos na ipagpapatuloy ng administrasyong Marcos Jr. ang laban kontra ilegal na droga.