Sinuspinde na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nakatakdang barangay assembly sa buong bansa ngayong Marso.
Ito’y dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangan ipagpaliban ang mga aktibidad na maaaring maging dahilan pa ng lalo pang pagkalat ng sakit.
Aniya kailangan ng kooperasyon ng publiko para maiwasan at mapigilan pang kumalat ang virus.
Una nang ipinagpaliban ng DILG ang lahat ng mass gathering bilang pag obserba sa social distancing measure na inirekomenda ng Department of Health (DOH).