Posible umanong maapektuhan ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kung magbibitiw si COMELEC Chairman Andres Bautista.
Kasunod ito ng lumabas umanong Memorandum mula sa 6 na COMELEC Commissioner na nagsasaad ng anila’y palpak na pamamalakad ni Bautista sa ahensiya.
Kaya naman nanganganib umano ang pag-usad ng eleksyon sa Oktubre kung isusulong ang pagreresign ng pinuno ng COMELEC.
Pero nilinaw ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim na wala naman silang planong pagbitiwin si Bautista.
Nais lamang ng mga commissioner na ipaayos kay bautista ang pamamalakad sa ahensiya.
Nakatakdang isagawa ang Baranggay Elections sa Oktubre pero una nang sinabi ni Bautista na hindi siya pabor na isagawa ito dahil sa election fatigue na kanilang naranasan sa katatapos lamang na May 09 elections.
Bagamat wala pang desisyon ang Kongreso, hindi pa tiyak kung matutuloy nga ang Baranggay at SK elections sa Oktubre.
By: Avee Deveirte