Magsisimula na ngayong araw ang campaign period para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Marawi City.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), mayroon lamang walong araw o hanggang Huwebes, Setyembre 20 ang mga kandidato upang mangampanya.
Kabuuang 79,289 ballots ang gagamitin sa halalan sa Marawi, sa Setyembre 22.
Magugunitang ipinagpaliban ang Barangay at SK polls sa lungsod noong Mayo 14 matapos ang limang buwang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at grupong Maute-ISIS.
—-