Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin na kailangang matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections na nakatakda ngayong taon.
Kasunod ito pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung hindi matutuloy ang eleksyon ay mag a – appoint na lamang sya ng officer incharge sa mga barangay.
Ayon kay Villarin, kung pagbibigyan ang hirit ng Pangulo na hindi matuloy ang eleksyon ay may posibilidad na mamihasa ito at magbigay daan sa awtoritarismo.
Aniya, hindi rin malayong hilingin nito na hindi na rin matuloy ang Midterm Elections sa 2019.
Nanindigan si Villarin na dapat na iginiit ng mamamayan ang kanilang karapatang makapili ng nais nilang mamuno sa bayan.
By Rianne Briones