Pinaghahandaan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagdaraos ng Barangay at SK Elections sa Disyembre.
Ito ay sa gitna ng mga panukalang ipagpaliban muli ang nasabing halalan upang makatipid sa gastos at sa halip ay magamit na lamang ang pondo sa pagtugon ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia, bahagi ng demokrasya ng bansa na maghalal ng bagong opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan pero handa naman sila kung ipagpapaliban ang eleksyon.
Paliwanag pa ni Garcia na manual ang isasagawang eleksyon kung saan nasa walong bilyong piso ang ilalaan na budget para rito.
Samantala, nakatakdang buksan muli ng COMELEC ang voter registration sa Hulyo.