Itinakda na ng Commission on Elections o COMELEC sa ika-22 ng Setyembre ang barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa Marawi City.
Batay sa isinagawang “evaluation” ng poll body sa lungsod, sinabi ng tagapagsalita nito na si Director James Jimenez na nasa “stable” nang kalagayan ang lugar.
Magsisimula ang election period sa ika-17 ng Agosto hanggang sa ika- 29 ng Setyembre.
Habang ang campaign period naman ay tatakbo simula ika-12 hanggang ika-20 ng Setyembre.
Una rito, ipinagpaliban ng COMELEC ang halalan sa Marawi City noong Mayo dahil sa isinasagawang rehabilitasyon sa lungsod bunsod ng halos limang buwang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute- ISIS group noong 2017.
—-