Pinaboran ng mayorya ng residente ng Barangay 176 o Bagong Silang sa Caloocan City, na hatiin sa anim na bagong barangay ang kanilang lugar.
Batay sa proklamasyon ng Barangay Plebiscite Board of Canvassers ng Commission on Elections, nasa 22,854 na mga residente ang sumang-ayon na hatiin ang barangay habang nasa 2,584 naman ang tumutol.
Kaugnay nito, tatawagin ang mga bagong barangay bilang Barangay 176-A, Barangay 176-B, Barangay 176-C, Barangay 176-D, Barangay 176-E At Barangay 176-F.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang R.A. 11993 para sa paghati ng Barangay Bagong Silang, na pinakamalaking barangay sa Pilipinas.