NASAWI ang isang dating barangay captain matapos pagbabarilin sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Clidoro, dating tserman ng Barangay Catalotoan na isa ring security aide at political officer ni re-electionist San Jose Mayor Marco Chavez.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin si Clidoro sa loob ng kanilang bahay.
Naglaan na si 2nd Dist. Rep. Lray Villafuerte ng isang milyong pisong pabuya para sa sinumang makapagtuturo at makahuhuli sa salarin.
Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.