Patay ang isang Barangay Chairman at ang kanyang anak sa Barangay Lapting, San Juan, Ilocos Sur makaraang tambangan ng mga hindi pa kilala salarin.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Bello Joseph Valorozo, 52-anyos, at anak nitong si Jumar Valorozo, 24-anyos, isang magsasaka.
Ayon sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima sa isang van sa Barangay Lapting nang sumulpot ang isang lalaking sakay ng motorsiklo at walang pagaalinlangang pinagbabaril sila.
Nagtamo ng mga tama ng bala ang mga biktima at dinala sa ospital kung saan idineklara silang patay.
Nagsasagawa na ng dragnet at follow-up investigation ang mga pulis para sa ikadarakip ng suspek