Patay sa pananambang ang isang mag-asawa ng hindi pa nakilalang salarin sa Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte.
Kinilala ng awtoridad ang mga biktima na sina Barangay Chairman Esmael Latip Mustapha at misis niyang si Rahima Maulana, secretary ng Barangay Bulibod.
Ayon sa Sultan Kudarat Municipal Police Station, nangyari ang ambush habang papauwi na ang mga biktima.
Naglalakad umano ang mag-asawang biktima sa kalsada nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalkihan at hinarang ang dalawa at pinagbabaril
Nang makitang patay na ang mga biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek bitbit ang mga armas na ginamit sa krimen.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.