Patay ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang salarin sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Jojo Bagay, first-term barangay chairman ng Barangay 5 San Silvestre.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakaupo sa garahe ng kanilang bahay ang biktima nang lapitan ng gunman bago pinagbabaril.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at ang posibleng motibo sa pamamaslang.