Patay na rin ang Barangay Captain ng Brgy. Mabato, Ayungon, Negros Oriental na iniimbestigahan ng PNP dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa NPA na pumatay sa apat na pulis sa kanyang barangay.
Kinilala ni Negros Oriental Provincial Police Office director Police Colonel Raul Tacaca ang barangay chairman na si Sunny Caldera.
Ayon kay Col. Tacaca namatay si Caldera sa Siliman Medical Center sa Dumaguete City, kung saan ito ginagamot matapos na magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide.
Una rito, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na kasama sa kakasuhan ang barangay chairman dahil kadudada-duda na hindi niya alam ang galaw ng NPA sa kanyang nasasakupan.
Base sa imbestigasyon ng PNP, hinarap pa ng barangay chairman ang 4 na pulis, bago ito binihag ng npa, pinahirapan, at in-execute sa harapan ng mga residente ng barangay.
Ang apat na pulis ay nagtungo sa barangay para rumesponde sa sumbong tungkol sa presensya ng mga armadong tao sa lugar.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)