Patay ang isang barangay chairman matapos na tambangan ng tatlong armadong kalalakihan sa bayan ng Taysan, lalawigan ng Batangas.
Kinilala ng Police Regional Office 4-A o CALABARZON PNP ang biktima na si Eduardo Panganiban ng Brgy. Panghayaan sa nasabing bayan.
Batay sa salaysay ng mga nakasaksi, nasa grahe lang ng kanilang tahanan ang biktima nang dumating ang mga salarin at bigla na lamang itong pinaputukan.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan na siyang dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Nagawa pang dalhin sa pagamutan ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya habang tinutugis ang mga nasa likod ng pananambang.