Magpapatupad ang Pasig City Government ng bagong schedule sa pamamalengke sa Pasig Mega Market simula ngayong araw.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, layon nitong malimitahan ang movement ng tao at istriktong maipatupad ang social distancing sa loob ng pamilihan.
Papayagan na mamalengke tuwing Martes, Huwebes at Sabado ang mga tiga- Barangay Pinagbuhatan, Kalawaan, Caniogan, San Antonio, Bambang, Pineda, Bagong Ilog, San Joaquin, Kapitolyo, Buting, Sagad, Sta. Cruz, Kapasigan,Oranbo at San Miguel.
Habang tuwing Miyekules, Biyernes at Linggo naman ang mga residente mula sa Manggahan, Rosario, Santolan, Sta. Luxcia, Maybunga, San Nicolas, Ugong, Dela Paz, Palatiw, Sto. Tomas, Malinao, Sumilang, San Jose, Bagong Katipunan At Sta. Rosa.
Isasarado naman ang mega market tuwing Lunes para sa disinfection.