Tiniyak ng Malacañang na sesertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang muling ipagpaliban ang barangay at SK elections sa Oktubre.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ay upang maisakatuparan na ang plano ng Pangulo na magtalaga pansamantala ng mga tatayong opisyal ng mga barangay sa bansa.
Una nang inihayag ng Pangulo ang kaniyang pangamba na gamiting makinarya ng mga opisyal ng barangay ang pondo mula sa operasyon ng iligal na droga kapag itinuloy ang halalang pambarangay.
Kasunod nito, pinag-aaralan na rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mungkahing isapubliko na lamang ang listahan ng mga opisyal ng barangay na sangkot sa droga upang hindi na maiboto sa darating na halalan kung matutuloy man.
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)