Bahagi na ng coaching staff ng Gilas Pilipinas si Barangay Ginebra Coach Tim Cone.
Ito ay matapos kunin ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes si Cone na aniya’y maasahan niya sa coaching techniques sa pagsabak ng National Basketball Team sa World Cup.
Ang trabaho ni Cone ay magsisimula sa paghahanda ng Gilas para sa 2023 World Cup kung saan magiging co-host ng bansa ang Japan at Indonesia.
Si Cone ay naging coach nang mapasakamay ng Gilas ang gold medal sa Southeast Asian Games nuong 2019.