Inilampaso ng San Miguel ang Barangay Ginebra sa game 3 ng kanilang best-of-seven PBA Philippine Cup finals.
Dahil dito, nakuha ng Beermen ang 2-1 lead sa serye matapos magwagi sa score na 99-88.
Gumawa ng mabangis na 17-2 run ang SMB sa pangunguna ni June Mar Fajardo may limang minuto ang nalabi sa laro.
Kumamada si Fajardo ng 17 points at 16 rebounds, kasama ang tatlong blocks.
By: Jelbert Perdez