Pinadapa ng Barangay Ginebra ang Star Hotshots sa game 3 ng kanilang PBA Philippine Cup Semifinals series sa score na 73-62.
Bagama’t 18 minutes lang na sumalang sa laro si Joe Devance ay naramdaman naman ang kanyang presensya matapos gumawa ng crucial lay up na nagbigay sa kanila ng panalo kung saan kumamada siya ng kabuuang Six points at Six boards.
Matatandaang hindi nakasama sa nakaraang tatlong laro ng Ginebra si Devance dahil sa kanyang injury sa kaliwang paa.
Hindi naman sigurado si Gin Kings Coach Tim Cone kung maisasalang niya si Devance sa game 4 bukas.
By: Jelbert Perdez