Posibleng gamitin ang mga barangay covered court at mga barangay hall para sa botohan sa 2022 National Elections.
Ayon kay Commission on Election Director for Operations Teopisto Elnas, Jr., may direktiba na sa kanilang mga election officers para paluwagin ang mga voting centers.
Dahil dito ay ikinokonsidera ng ahensya ang posibilidad na idaos ang botohan sa mga covered courts ng barangay.
Kasama rin sa ikinokonsiderang lugar para pagbotohan ay dapat may magandang bentilasyon, mas kumbinyente, maluwag, at nakasusunod sa minimum health standards.