Inalerto na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng barangay health emergency response team sa buong bansa.
Ito ang tiniyak ni DILG Undersecretary for Barangay affairs Martin Diño kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng public health emergency dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Diño, kaakibat ng kanilang pag-alerto sa mga barangay ay ang pagpapatupad ng mga hakbang para paghandaan at labanan ang pagkalat ng sakit.
Intensify information campaign, at the same time, ‘yung barangay isolation unit ay prepared na rin. Kailangan din na handa ang mga barangay sa personal protective equipment na gagamitin ng ating barangay personnel,” ani Diño.
Dagdag pa ni Diño, tuloy-tuloy din ang kanilang koordinasyon mula sa Department of Health (DOH) hanggang sa mga barangay health office upang maiparating ang mga kinakailangang impormasyon hinggil sa COVID-19.
Ang protocol pagdating ditto ay in-place na rin, ‘yung coordination natin magmula sa provincial Department of Health, city and municipality DOH, down to barangay level,” ani Diño. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas