Inihayag ni Agriculture Secretary William Dar na nadagdagan pa ng 10 ang bilang ng mga barangay na apektado pa rin ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Dar, sa kanilang tala ay nasa 29 pa ang mga barangay na naitala sa ngayon ang ay aktibong kaso ng ASF sa bansa na mas mataas sa 19 na barangay na naitala noong buwan ng Hunyo.
Dahil dito, iginiit ng kalihim na marami pa rin ang dapat gawin para tuluyang mapuksa ang naturang virus.
Kasunod nito, nagpapatuloy din ang ginagawang kampanya ng ahensya para sa muling pagbangon ng Hog Industry sa bansa.
Samantala, ilan lamang ito sa inilatag na tugon ng ahensya sa joint hearing ng dalawang kumite sa Kamara para siyasatin ang presyo ng karneng baboy at iba pang food commodities.