Posibleng isapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, anumang araw ngayong linggo ang barangay officials na kabilang sa narco-list ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mas marami ang barangay captains kumpara sa mga barangay kagawad na kabilang sa narco-list ng Pangulo.
Sa dalawandaan at siyamnapu’t pitong (297) nasa narco-list, labing anim (16) na barangay captains na anya ang kanilang naaresto at dalawampu’t limang (25) mga konsehal.
Sinabi ni Aquino na dalawandaan at labing anim (216) na pangalan ang nakatakda nilang isapubliko dahil maliban sa mga naaresto at namatay sa drug operations, mayroon na ring sumakabilang buhay dahil sa natural na dahilan.
Tiniyak ni Aquino na nakumpirma na nilang sangkot sa illegal drug operations ang lahat ng ilalabas nilang pangalan.
PDEA Chief Aquino to reveal the names of 211 Barangay Chairpersons and Kagawad involved in illegal drugs @dwiz882 pic.twitter.com/4X6wvvZMBs
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) April 25, 2018
—-