Paparusahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay official na hindi makapagsusumite ng drugs watch list.
Ayon kay D.I.L.G. Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, maaaring suspendihin ang opisyal na hindi makapagpapasa ng listahan.
Noong Marso 15 pa ang itinakdang deadline ng D.I.L.G. sa mga barangay sa pagsusumite ng lahat ng listahan ng mga personalidad na umano’y sangkot sa droga.
Gayunman, dalawampung porsiyento o halos siyamnalibong barangay lang ang nagpasa mula sa apatnapu’t dalawang libong barangay sa buong bansa.
Samantala, inihayag naman ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya na partikular nilang tatargetin ang mga barangay official na nasa narco-list.