Natukoy ang walong barangay sa Baybay City na danger zone ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Regional Office.
Kabilang dito ang mga barangay ng Mailhi, Kantagnos, Bunga, Maypatag, Makinhas, Cagumay, Mag-Aso, at Kan-Ipa.
Ito’y kasunod ng ginawang assessment ng mgb sa mga nasabing lugar bilang tugon sa ulat mula sa mga residente hinggil sa mga nakita nilang “visible tension cracks.”
Naisumite na ng mgb sa local na pamahalaan ang resulta ng kanilang assessement upang makapagpatupad ito ng “no dwelling zones.”
Ayon kay MGB Regional Chief Geologist Celestina Carranza, nasa 50% ng land area sa lugar ang maikokonsiderang landslide-prone base sa kanilang pinakabagong geohazard map.
Samantala, anim naman na lugar sa Baybay ang tinukoy ng MGB na ligtas para malipatan ng mga naapektuhang residente.