Tuluy-tuloy ang preprasyon ng COMELEC para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre.
Ito, ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ay hangga’t walang utos mula sa Kongreso na muling ipagpaliban ngayong taon ang nasabing halalan.
Aminado si Garcia na mahirap i-assume na muling ipo-postpone ang eleksyon sa Barangay at SK kaya’t hindi mauudlot ang kanilang mga preparasyon, tulad ng voters registration.
Sa hulyo anya ay muling bubuksan ng COMELEC ang voter registration para sa mga bagong botante at nais magpa-activate.
Magugunitang isinusulong ng ilang mambabatas na ipagpaliban muna ulit ang Barangay at SK Polls sa Disyembre upang makatipid sa gastos ang gobyerno at magamit na lamang ang pondo sa COVID-19 pandemic response.