Isinailalim sa hard lockdown ang Barangay Sto. Niño-slaughter sa Baguio City dahil sa lumolobong bilang ng mga dinadapuan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19)
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ito’y makaraang maitala ang panibagong 15 mga dinapuan ng COVID-19 sa barangay.
Nagsimula ang pagpapairal ng lockdown mula ngayong araw hanggang sa Oktubre 4.
Habang nakasailalim sa lockdown ang barangay, ay bibigyang daan naman ang isasagawang contact tracing sa sinumang nakasalamuha ng mga panibagong kaso ng nakamamatay na virus.
Kasunod nito, hindi rin papayagan ng mga awtoridad na makalabas ng kani-kanilang kabahayan ang mga residente ng barangay, maliban na lamang kung ito’y emergency.