Isang 43-anyos na barangay tanod ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng isang 58-anyos na tricycle driver sa Balaoan, La Union.
Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing biktima na si Eduardo San Jose.
Batay sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen ay kapwa nakikipaglamay ang biktima at suspek na si William Subang nang magkainitan sa hindi pa malamang kadahilanan na nauwi sa pagtatalo.
Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bumunot ng baril si Subang at binaril ang biktima.
Nakatakbo pa si San Jose, subalit hinabol pa ng suspek at nang madapa ay muling binaril ng suspek.
Naaresto ng mga pulis ang suspek at nakuha ang baril sa isang pursuit operation.