Nasawi ang isang barangay treasurer matapos na barilin ng kanyang kinakasama na nagpakamatay rin sa bayan ng Gattaran, Cagayan.
Kinilala ang biktimang si Ria Ponce, 37 anyos habang ang suspek at live-in partner nito ay si Rex Martin.
Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-live-in partner dahil umano sa selos.
Pinagbantaan umano ng suspek ang biktima na kapag nakipagrelasyon sa iba ay papatayin ito.
Hindi pa humupa ang hidwaan nang barilin ni Martin ang biktima, kasunod nito ay binaril din ng suspek ang kaniyang sarili na kaniya ring ikinamatay.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.—mula sa panulat ni Airiam Sancho