Binawian ng buhay ang barangay volunteer na isa ring pedicab driver matapos barilin ng isang lalaki sa Malate, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Danila Florida.
Ayon sa imbestigasyon, pinagsabihan ni Florida ang isang tindero na umihi sa kaniyang pedicab.
Matapos ay umalis ang tindero, pero binalikan nito kasama ang kaniyang pinsan na bumaril sa biktima sa loob ng pedicab.
Kasong murder ang haharapin ng suspek at pagtatago ng nakamamatay na sandata naman ang kasong isasampa sa nakaalitan ng biktima. —sa panulat ni Airiam Sancho