Halos 100 indibidwal ang nakinabang sa barber community pantry na inorganisa sa Barangay Kamuning sa Quezon City.
Kabilang sa mga organizer ng naturang community pantry ay mga tindero, mananahi at tricycle drivers.
Kuwento ni Ola, isa sa mga organizer nag-ambagan sila ng kanyang mga kasamahan at kumuha sila ng pitong magagaling na barbero o hair stylist para sa nasabing pantry kung saan u-ubrang pumila ang lahat ng may edad 18 pataas.
May dagdag freebies pa tulad ng shampoo at suklay kapag nakapagpagupit na.
Tiniyak naman ng organizers ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing at mahigpit na nabantayan ang pantry dahil ipinuwesto ito malapit sa Barangay hall ng kamuning kung saan may nakatambay na mga Barangay tanod.
Sa linggong ito ay inaasahan naman ang plantito plantita community pantry sa Barangay hall ng Kamuning na pangangasiwaan din ng parehong organizers.