Arestado ang isang barbero matapos tangkaing saksakin ang kustomer nito na nagpagupit sa barbershop sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City.
Sa kuha ng CCTV, nakitang nagtatalo ang 23 anyos na barbero at lalaking kustomer na isang empleyado sa gobyerno.
Ayon sa pulisya, hindi pumayag ang barbero na ayusin ang gupit ng nagreklamong kustomer dahil hindi nasunod ang i-style na gusto nito.
Nagulat na lamang ang mga taong nakakita sa pagtatalo ng dalawa nang kunin ng barbero ang gunting at sugurin ng saksak ang kustomer na nagawang makaiwas.
Nagtamo ng sugat sa kamay ang biktima habang naaresto ang suspek at nahaharap sa kasong attempted homicide. —sa panulat ni Airiam Sancho