Hindi naniniwala si Congressman Robert Ace Barbers na nagsasagawa ng performance intelligence work ang mga atletang kinuha ng BOC o Bureau of Customs.
Kasunod ito nang pag kuwestyon ni Barbers sa pagkuha ng Customs sa mga dati at aktibong basketball at volleyball players bilang technical assistants at intel officers.
Sinabi ni Barbers na dapat ma-justify ng Bureau of Customs ang pagkuha sa serbisyo ng mga nasabing atleta na dapat tutukan ang attendance at performance bago i-renew ang kanilang mga kontrata.
Matatandaang binigyang diin ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na isang magandang programa na kanilang pinag-isipan ang pagkuha ng serbisyo ng mga dati at aktibong basketball at volleyball players bilang technical assistants ng ahensya.
Ayon pa kay Faeldon, kinunsulta nila ang COA o Commission on Audit hinggil sa Sports Development Program ng Bureau of Customs.